Walang kasing-ligaya ang umuwi sa Pilipinas kahit sabihin pang may kadalasan ang dalawang beses na pagbisita taun-taon. Hindi kayang tumbasan ng pera ang masayang pakiramdam kasama ang buong pamilya, mga kaibigan at makita ang ilang mga simpleng pinaghirapan. Subalit ibang-iba talaga ang takbo ng buhay sa ating bansa. Masasabing pera…pera talaga ang labanan.
Sa pagrere-
confirm na lamang ng
return flight o pag-
change ng
date/flight booking pabalik ng Saudi Arabia ay gagastos ka na ng pera.
At take note, dapat gawin ito sa
point of origin (meaning sa Pinas). Kadalasan, hindi naman makukuha sa pagtawag sa telepono. Nakakabagot na laging busy ang trunk line ng travel agency o airlines at ubos ang load ng cell phone mo sa pagtawag. Kailangang pumunta ng Manila para personal na ayusin ito kasama na ang pagpapatingin ng
validity ng
exit/re-entry visa (
visa reading). The concern in here is paano yung mga nasa malalayong lugar tulad ng Kalinga, Apayao o Cagayan Valley. Perang ‘pamadyak’ ang kailangan para lumuwas ng Manila. Paano kung natuyuan na ang bulsa?
(Si Nonie Antonio, tricycle driver sa Calumpit, Bulacan – Kuha ni JNC)
(Mga kutsero sa Santa Maria (Cabagan), Isabela – Kuha ni JNC)
(Buko vendor, sa kaniyang pang-araw-araw na gawain.)
Sa mga lugar na nababad ng halos isang buwan ng tubig-baha tulad ng Calumpit at Hagonoy sa Bulacan, isa na ngayong pang-araw-araw na gastusin ang bumili ng ‘
mineral water’ (isang maliit na container sa 30 Peso) dahil inaayos pa ang mga tubo ng gripo na nabaha at hindi nga r
ecommended o safe na kumuha ng tubog-inumin mula sa gripo. Paano naman talaga ang walang pera? Hindi na iinom? Magtitiis sa maduming tubig?
Tunay na nakakalungkot na maraming Pinoy ang naghihirap. Isang babaeng
tricycle driver (si Nonie Antonio) na kakilala ng manunulat na ito ang kaniyang nasakyan at nagsabing: “
Mamamatay ka ng walang ‘pa-Jesus’ dito sa atin kung wala kang pera”. Ayon sa kanya, naubos ang kaniyang konting naiipon sa pagpapagamot sa kaniyang pumanaw na dalawang taong gulang na anak at kahit sabihin pang mayroong ilang nagbigay nang tulong, ngunit mayroon pa rin siyang natitirang 50,000 Pesos na pagkakautang sa ibat-ibang nagpahiram sa kanya ng pera. Sabi niya: “
Saan ko naman kukuhaning palad ng Diyos ang ganitong halaga lalu na’t kadalasan ay sira din ang aking tricycle. Mayroon ngang mga charity ang gobyerno pero malaki din ang gastusin sa gamot at iba pang kailangan.”
(Newspaper vendor na mukhang kampante sa buhay habang naghihintay ng mamimili.)
(‘Running your own Race’ ang buhay sa Pinas – Atlag, Bulacan.)
(Taking the ride sa sasakyang ‘kuliglig’ sa Cabagan, Isabela - Kuha ni JNC)
At sa paglilibot sa maraming parte ng Pinas sa nakaraang pagbisita, masasabing iba-iba talaga ang raket ng ating mga kababayan. May mga pagkakataon na pati reputasyon at dangal ay nailalagay sa garapon (jar) at panandaliang isinasantabi para lamang kumita ng pera. Pero masisisi ba natin talaga sila? Subalit sa gitna nang mga kuwento na ito, tunay na maipagmamalaki at masasabing ibang-iba pa rin ang kultura at lakas ng loob nating mga Pinoy, maging doon sa mga naninirahan sa Pinas at tulad nating mga nasa ibang bansa. Dahil nagagawa pa rin nating tumawa, magsaya at muli’t muling mangarap. Higit sa lahat, lumaban sa napakarami at napakabibigat na pagsubok ng buhay kahit tayo ay nasa gitna, kundi man nakahiga, sa
KAHIRAPAN. -
(J. Nava Cruz, an OFW, is a writer-documentarist. E-mail a t bashamel007@yahoo.com)
Add a Comment
Hi Jaime,
I just wanted to react on your article.. Hindi naman puro pera pera dito sa atin. Meron pa ring mga tao na may dignidad at karangalan na pinanghahawakan. Marami sigurong sa PERA lang at malamang ay sila ang iyong nakapanayam, try mo akong kausapin at ang iba pang mga kakilala upang maging balanse ang iyong report. Napunthan ko na ang buong Pilipinas maging sa southeast asia at maipagmamalaki ko na tayo pa rin ang mayroong magandang loob at hospitable sa kanilang lahat. Sa gawi nyo kasi sa Panducot, marami na ang bayarin pagdating sa eleksyon at ipinagpapalit sa konting pera ang kanilang karapatan, hindi ko sila masisisi dahil sa pangangailangan, subalit huwag mo sanang lahatin... thanks & best regards