Sa Ating Wika
If you are reading this note, you must have accessed this page directly through a bookmark or an external link. Please be advised that www.mnnetherlands.com recently underwent a re-structuring and that this page has been renamed and moved to a new directory, and will eventually be phased out. Click the SEARCH button below to locate this page's upgraded version.


Sa Ating Wika
Update Issue December 25, 2008

December 25, 2008
 
 
ISANG MAKAHULUGANG PASKO at sa TAONG 2009 – KAPAYAPAAN ANG MAGHARI SA MUNDO ang hangad at dalangin namin para sa inyong lahat !!!

Tuloy pa rin ang tao sa paghahanda sa pagsapit ng pasko ngunit, sa maraming bansa dahil sa krisis sa ekonomiya sa buong mundo mapupuna ang karamihan, kabilang na kami, ay nagtitipid na sa gastos at kung hindi talagang kailangan ay hindi na binibili, nagsusubi sa mga darating na pangangailangan. Ang mga bata na lang ang ibinibili ng regalo.

Sa Pilipinas kapag ganitong panahon, ang mga may asawa, kapatid o anak na nagtrababaho sa labas ng bansa ay tumatanggap na ng perang panggastos o pambili ng kailangan at dumadating na ang door-to-door box puno ng mga regalo. Ngayon, sa halip na dalawa o tatlong boxes ang tinatanggap ng isang pamilya, isang maliit na box lang at kuwalta ang pinadadala. At, hindi na kasing laki gaya ng dati ang padala.

Marami dangan kasing nangibang bansa ang napabalik dahilan sa kawalan ng trabaho. Ang iba naman na may trabaho pa ay nangangamba din dahil walang katiyakan kung hanggang kailan mananatili sa trabaho.

Mabigat na pagsubok at hamon sa bawat isa sa atin itong krisis sa ekonomiya

-------------------------------------

10,000 NAGPROTESTA LABAN SA CHA-CHA, ngunit hindi pa rin maantig ang kalooban ng karamihan ng mga kinatawan. Wika nila, sa Maynila lang at Makati ang protesta, hindi naman sa maraming bayan sa Pilipinas.

Iyon na nga, sa Maynia at Makati pa lang 10,000 na ang umaayaw na baguhin ang saligang batas (Charter Change o Cha-Cha) di lalo pa sa probinsiya. Sila kinatawan lang at mga nakikinabang sa kanila ang nagpupumilit ng Cha-Cha.

Dahil sa protesta, nagpahayag si Speaker Nograles na ipagpapaliban daw muna nila ang diskusyon tungkol sa Cha-Cha hanggang sa muling sesyon ng kongreso sa ika27 ng Enero. Baka hahanap sila kinatawan ng ibang paraan na mapalusot ito.

Mabuti pang kalimutan ang Cha-Cha nila kongresista na ka-partido ni Pang. Arroyo. Nahasa na ng mamamayan ang nakatagong ahenda nila-magpatuloy sa pagupo si Pang. Arroyo at pati na nila, dahil hindi magkakaroon ng halalan. Sila ang magbabago ng saligang batas.

Ang gusto ng mamamayan maghalalan muna sa 2010 at saka pagusapan and Cha-Cha. Sa ganuon makakapili sila ng bagong kinatawan.

-----------------------------------------


HANGGANG KAILAN MAGPAPATULOY ANG `CARP’ Ang mga magsasaka, kasama ang mga arsobispo ay umupo sa Batasang Pambansa at nagpakagutom ng ilang araw dahil hindi nilalagdaan ng mga kinatawan ang pagpapatuloy ng CARP (Comprehensive Agrarian Reform Program) na ang bisa ay matatapos sa Enero. Kabilang sa mga nagprotesta ay ang mga magsasaka sa lupain ng asawa ni pang. Arroyo.

Umalis lang ang mga magsasaka pagkaraang pangakuan sila ni kinatawang Hontiverros-Baraquel na tatalakayin ang CARP at gagawin niya ang makakaya upang malagdaan ito. Ngunit, babalik daw sila muli sa Batasan hanggat hindi nalalagdaan. Mukhang walang tiwala na sa mga kinatawan.

Ang naturang programa ay inumpisahan ni pangulong Corazon Aquino upang mabigyan ng lupa ang maliliit na magsasaka. Ngunit, bagama’t ang layunin ng CARP ay matulungan ang maliliit na magsasaka maraming kakulangin ito, gaya ng hindi pagsama ng malalaking lupain at pagbibigay ng tulong sa pagsasaka. Sinasabing kaya inaayawan ng mga kinatawan na ipagpatuloy ang CARP ay karamihan sa kanila ay mayari ng malalaking lupain. Gusto daw ng mga kinatawan ay bayaran muna ng pamahalaan ang kinuhang lupa.

Pakinggan naman sana ang babala na kapag tinanggal ang CARP lalong titindi ang paghihirap ng mga magsasaka at maraming mamumundok.

------------------------------------

< b>BABOY sa mga magbabakasyhon sa Pilipinas, kung maiiwasan huwag magkakain nito, Hindi lang sa nakakataas ng cholesterol, lumabas na may mga baboy na may birus ng Ebola-Reston. Natagpuan ito sa mga babuyan sa Bulacan, Nueva Ecija at Pangasinan. Hindi naman dapat ikabahala ayon sa Kagawaran ng Kalusugan, hindi daw nakakapinsala sa tao itong Ebola-Reston di katulad ng ibang klaseng Ebola birus na matatagpuan sa ilang bansa sa Africa.

Walang mawawala sa atin kung magingat sa pagkain ng baboy, lalo pa at kung hindi dumaan sa matadero o patayan ng hayop.

Sa halip na baboy baka mabuting subukin ang veggie noodles o gulay na pansit. P35 daw isang pakete at mabibili kahit saang Tindahan Natin. Sabi ng taga Benguet, ang susunod nilang ilalabas ay veggie pastriesat veggie bread.

---------------------------------------

ALISIN NA ANG BARYA, mungkahi ni kinatawang Roilo Golez ng Parañaque. Wala na daw silbi ang isang pera, 10, 25 o 50 sentimos. Kung sabagay ano nga ba ang mabibili ng sentimo, maski pa piso. Maski pambayad sa bus o jeepney ang pinakamura ay P7.50 sa unang apat na kilomero. At pansamantala lamang itong pagbaba ng pasahe.

Wala na bang magagawa ang pamahalaan upang mapababa ang presyo ng mga bagay na kailangan pang-araw araw ng tao, gaya ng pagkain at gamit sa pagaaral, bayad sa sasakyang pang-publiko?

-------------------------------

T RABAHO SA LABAS NG BANSA – dahil na rin sa krisis sa ekonomiya, ang mga walang trabaho sa Pilipinas o mababa lang ang suweldo, ay naaakit sa offer sa mga teachers ng Estados Unidos at Tsina. Ang United Kingdom ay nurses naman ang kailangan.

Sinasabing sa Canada, panglima ang Pilipinas sa listahan ng dayuhang pumapasok sa naturang bansa. Sa Lebanon, bagam’t ipinagbabawal pa rin ng pamahalaan ng Pilipinas ang pagtratrabaho sa naturang bansa, 70,000 ng Pilipino ang nagsisilbing domestic helpers.

Bagama’t mataas ang ibinigay na suweldo kaysa sa nakukuha sa Pilipinas, ayon sa pagsusuri, sa maraming bansa hindi tumatanggap ang mga Pilipino ng talagang dapat na suweldo at wala halos na proteksiyon sa kanilang karapatan.

Ang Pilipinas naman ay nagdurusa dahil wala nang may karanasang tauhan ang maraming ospital o health centers. Dahil dito, may panukala sa kongreso, na itaas ang suweldo ng narses at iba pang nag aral ng kaalamang pangkalusugan.

Samantala sa Taiwan mahigit na 2,000 Pilipino ang nawalan na ng trabaho at malagin ang prediksiyon na malamang aabot sa 3,000 pa ang mawawalan sa madaling panahon dahil napakaraming pabrika ang apektado ng krisis sa ekonomiya.

Sa Davao naman, humina ang order buhat sa ibang bansa ng banana chips.

--------------------------------------------

M AGIGING VENIZIA BA ANG MAYNILA? Kasi ayon sa mga dalubhasa bumababa ang siyudad. Dahil sa kawalan ng tubig karamihan ng ngakatira sa Maynila at malalapit na bayan aynagbobomba ng tubig upang mapuno ang tanke. Ang pagbobomba, diumano ay nagpapatuyo ng lupa. Natutuyo ang ilalim ng lupa at lalong babaha hindi lang sa Maynila pati sa mga kalapit na bayan.

Napakatagal ng problema itong kawalan ng tubig at baha sa Maynila. Hindi na mabilang ang mga pangako ng mga kinatawan at opisyal tuwing eleksyon matapos na nahalal sa kanilang mga tungkulin ngunit nananatili pa rin ang problema…. bagkos lalong lumalala.

------------------------------------------- ---

SAMOT-SAMOT NA BALITANG AGHAM:

Magandang balita: Naumpisahan na sa University of California Medical Center ang pagalis ng apendisitis na hindi na bubuksan ang tiyan. Ayon sa pahayag hiniwaan lang ng maliit na butas ang sa tiyan upang maipasok ang maliit na kamera. Pinaraan sa bibig ng pasyente ang instrumento upang makuha ang apendis. Kabilis daw natapos at halos walang sakit na naramdaman pagtapos ang pasyente.

-----------------------------------

B ato (kidney) For Sale – Parang hindi kapani-paniwala ngunit ang National Kidney Institute na ang nagsabi na sa website lumalago ang pagtitinda ng bato (kidney). Dahil na rin sa kahirapan maraming Pilipino ang nagaanunsiyo ng pagtitinda ng kanilang bato. Hindi lang Pilipino, marami ring taga ibang bansa ang gumagamit ng internet sa pagtitinda ng kanilang bato.