Tunay nga na ang araw-araw na buhay ng mga OFWs dito sa Riyadh ay hindi madali. Ang buong araw ay umiikot lamang sa trabaho, bahay at trabaho uli kinabukasan. Kaya nga ang karamihan sa ating mga Kababayan ay nakikibahagi sa iba’t-ibang makabuluhang gawain tulad ng sa sports at iba’t-ibang cultural activities upang maibsan ang kalungkutan o tinatawag nating “homesickness” na kanilang nararanasan.

Gene Juanich
Sa ganitong sitwasyon naisip ni Gene Juanich, isang singer/composer sa Riyadh, ang pagbuo ng isang CD Album na pinamagatang
“DESERT LOVE” na kanyang nais ialay at ibahagi sa mga kapwa OFWs sa Kaharian ng Saudi Arabia. Ayon kay Gene, bilang isang OFW ay nais niyang makapagdulot ng kahit konting inspirasyon sa mga kapwa OFWs sa pamamagitan ng kanyang mga awitin. “Sa ating mga libreng oras ay maaari nating gamitin ito upang mas lalong hubugin natin ang mga talentong ipinagkaloob sa atin ng Maykapal at makapagbigay inspirasyon sa ating mga Kababayan.” wika ni Gene.
Ang
DESERT LOVE CD Album ay binubuo ng 10 Tracks (love songs) na tiyak na aantig sa mga mapagmahal na puso ng ating mga kapwa OFWs lalo na’t ang mga Pinoy ay sadyang mga romantiko sa larangan ng pag-ibig at tunay na mahilig sa mga sentimental love songs. Pito (7) sa mga awiting ito ay cover versions ng mga paboritong love songs ng mga OFWs gaya ng “Kailangan Ko’y Ikaw”, “Hanggang”, “Let The Pain Remain”, “Ako’y Sa’yo Ika’y Akin” at marami pang iba. Tatlo (3) naman dito ay mga original compositions ni Gene Juanich :
“Wag Mo Nang Balikan”, “Dahil Kapag Wala Ka” at “Look At Me Now” (na isa mga Song Finalists sa nakaraang 2006 Pinoy Song Festival sa Riyadh).
Bilang isang singer, si Gene Juanich ay itinanghal na 1
st Runner-up sa 2005 LG Popstar Quest (OFW Division) sa Riyadh at kasalukuyang isa sa mga APM Singers. Bilang isang composer naman ay nakamit niya ang karangalang 2
nd Runner-up sa 2007 Pinoy Song Festival para sa kanyang original song entry na “Kung Di Ako Mahal”.
Napansin din ng Alpha Records ang isa sa mga original compositions ni Gene Juanich na pinamagatang “Puso Ko’y Laan” at mapalad na maisama ito sa Debut Album ng Alpha Recording Artist na si Michael Laygo. Nakagawa na rin si Gene ng 2 Theme Songs para sa Telebisyon para sa drama anthology na
Balintataw sa mga episodes nito na
“Magkano Ba Ang Pangarap” (pinagbidahan ni Gina Pareño) at
“Bubungang Lata” (pinagbidahan ni Chat Silayan). Dito naman sa Riyadh ay naibahagi na rin ni Gene ang kanyang talento sa paglikha ng awitin para sa
OFW Cancer Society (OFWCS) sa kanyang pagsulat ng Theme Song nito na pinamagatang
“Fight To Live”.
Si Gene ay nakatakda ring maging isang panauhin sa sikat na Radio Program sa Riyadh, ang Thursday Night Variety, ng ating ipinagmamalaki at nag-iisang Filipina DJ sa Riyadh na si Verna Santos Nafrada upang i-promote ang Desert Love CD Album.

DESERT LOVE POSTER
Ang
DESERT LOVE CD Album ay isa lamang patotoo na kahit tayo ay nasa ibang bansa, lalo na dito sa bansang disyerto na kapos sa mga libangang nakasanayan na nating mga Pinoy sa Pilipinas, ay maaari pa rin nating magamit ang ating mga natatanging talento para sa isang makabuluhang proyekto na gaya nito upang makapagbigay ng kahit konting kasiyahan at inspirasyon sa ating mga kapwa OFWs.
Ang
DESERT LOVE CD Album ay maituturing na kauna-unahang CD love album na inilabas ng isang OFW sa Riyadh.
Para po sa mga nais magkaroon ng kopya ng
DESERT LOVE CD Album, maaari pong tawagan ang mga sumusunod :
Mr. Vic Tanquerido (0506296535), Mr. Joseph Espinosa (0503469416) at Mr. Gene Juanich (0564574876).
Nais ding pasalamatan ni Gene ang mga sumusunod sa kanilang suporta at tulong upang mabuo ang CD Love Album na ito : Jim Epang Jr., Resty Jacinto, at Kenneth Olympia para sa CD Cover Lay-out & Design at si Omar Gabrito para sa Publicity & Promotions.
Sama-sama po nating suportahan ang Musika at Talentong Pinoy sa Riyadh.