24 years
of
Community Service
MUNTING NAYON
News Magazine
Manny G. Asuncion
News and Views of the
Filipino Community Worldwide
Mga Pamahiin at Matatandang Paniniwala
Melbourne, Australia
Mon 20th June 2011
 
 
“Wag kakanta sa harap ng kalan habang nagluluto!” ito ang sabi ng aking nasirang lola sa mga kapatid kong dalaga sapagkat baka raw di sila makapag-asawa.

Pero ewan ko ba , yong panganay naming kapatid na babae  na mahilig kumanta ay agad nakapag-asawa at sunud-sunod pa ang naging mga anak.

Ang ating  mga ninuno ay maraming pamahiin at paniniwala na kung iisipin nating mabuti ay talagang  taliwas sa larangan ng siyensiya. Pero kahit ngayon, sa ating makabagong panahon, kahit na ang tao ay nakarating na sa buwan , mayroon pa ring mga pamahiing pinaniniwalaan o sinusunod ng ating mga kababayan lalo na sa baryo at mga lalawigan.

Natatandaan ko pa noong ako’y maliit pa, pinagbabawalan kami ng aming nanay na maligo sa gabi pagkat bababa raw ang presyon ng dugo at lalabo ang aming mga mata kung matutulog nang basa ang buhok. Madalas nga akong makagalitan dahil sa kahit na anupamang pagbabawal ang gawin ng nanay sa akin, hayu’t panay pa rin ang paligo ko sa gabi (kaya siguro nakasalamin ako ngayon). Tinanong  ko nga sa kaibigan kong doktor kung may relasyon ang panlalabo ng aking mga mata sa aking paliligo sa gabi pero  maliwanag pa sa sikat ng araw na ang sabi niya’y wala.

Ang pamahiin ay mga paniniwala  ng ating mga ninuno sa mga bagay-bagay na mahiwaga at di maipaliwanag na mga pangyayari – maging ito man ay pisikal  o spirituwal. Sa pamahiin, hinahanap ng ating matatanda ang kasagutan sa mga bagay o di maipaliwanag na pangyayaring  naging sanhi ng sakit, kalungkutan,  kaligayahan, kapahamakan, kapalaran o pagkabigo.  

Malas raw na numero ang 13 . Kahit na ang mga may-ari  ng mga makabagong gusali ay iniiwasan ang pagkakaroon ng ikalabing tatlong palapag.  Ang gagawin nila ay biglang gagawing  ikalabing apat ang nasabing palapag.

Natatandaan ba ninyo ang serye ng pelikulang Friday the 13th? May kilabot pa ring nararamdaman kung ang Biyernes ay tumama sa petsa 13. Pati rito sa Australya, ang mga broadcasters sa radyo at telebisyon abut-abot ang payong maging maingat sa araw na ito lalong-lalo na sa pagmamaneho.

Sa pagrenta ng bahay  o apartment,  iniiwasan ang address na may numero trese. Malas daw. Isang kaibigan ko  sa Pilipinas ang umupa ng apartment na may numerong 13. Tatlong buwan pa lamang matapos  silang lumipat ng kanyang pamilya, nawalan siya ng trabaho, naakasidente ang panganay nilang anak, namatay ang kanyang ama  at iba pang kamalasan ang sumunod sa kanilang buhay.  Dahil dito, agad silang lumipat ng tirahan.

Samantala, taliwas naman ang nangyari sa isa kong kaibigan.  Down na down siya noong  lumipat sila ng kanyang anak sa isang maliit na apartment na may numero 13 (dahil sa malaking pagkakautang ay nailit ay kanilang bahay sa Makati at nagkahiwalay silang mag-asawa). Pero noong  lumipat sila sa nasabing apartment, nagkasunud-sunod ang kanyang suwerte sa buhay.  Na-promote siya sa trabaho. Natapos ng pagka-inhinyero ang kanilang kaisa-isang anak.  At higit sa lahat muli silang nagkabalikan ng kanyang asawa. Hanggang ngayon ay nakatira pa rin sila sa apartment bilang 13. 

Sa paglalagay ng hagdanan, ang ating mga matatanda ay bumibigkas ng Oro, Mata, Plata. Ang katapusan daw ng baytang ay dapat maging Oro (ginto) o Plata (pilak) at hindi Mata (Kamatayan) kundi, ang mga nakatira raw sa bahay na yon ay dadapuan ng kamalasan. Kaya naman, sa tuwing papanhik ako  sa hagdanan nang anumang bahay, mahinang tumitiktik sa aking utak ang katagang Oro, Mata, Plata.

Ang paglilihi ay isa ring uri ng pamahiin ng ating mga matanda na  hanggang ngayon ay pinanniniwalaan pa rin ng marami ng ating mga kasambahay.  Kung ang bata raw ay maputi,  ito raw  ay ipinaglihi sa labnanos. Kung maitim naman sa  duhat. Kung may maitim na at mabalahibong balat sa anumang bahagi ng katawan, ang sanggol raw ay ipinaglihi sa baboy.  Kung  ang mga daliri ng mga kamay at  paa ay matataba at baluktot ang bata raw ay ipinaglihi sa luya. Sabi ng nanay ko, ipinaglihi raw ako sa suman  kaya raw ako payat na payat noong iniluwal sa  sangmaliwanag!

Kaya nga, kung ang isang maybahay  ay naglilihi, dapat puro magaganda raw ang kanyang pagmamasdan o titignan. Huwag titingin sa kuba, sa duling o sa ngongo pagkat magkakaganuon din daw ang isisilang na  anak. At siyempre pa, huwag na huwag na manonood o magbabasa ng mga horror stories kundi disaster daw ang mangyayari.

Kung pangit raw ang hitsura ni Misis  sa kanyang pagbubuntis, lalaki raw ang kanyang magiging  anak, at kung maganda  naman daw  ang histura niya , babae ang isisilang.

Madalas, panakot sa atin ng mga matatanda ang mumo  o aswang.  Sa oras na binalaan tayo ng ating nanay o lola na may multo o mumo,  mabilis pa sa alas kuatrong papasok tayo sa loob ng bahay.  Kung hindi tayo sumusunod sa nakatatanda sa atin, sinasabihan tayong kukunin tayo ng bumbay. Hindi magandang ugali  subalit epektibong panakot sa mga sutil o pilyong  mga anak . 

Mayaman ang mga Filipino sa mga bagay na supernatural.  Nariyan ang mga asawang at manananggal na naglipana raw sa pusikit na karimlan. Walang sinabi ang mga pelikulang Amerikano at Ingles sa mga kuwento  ng multo, bampira, mangkukulam, mambabarang , manggagaway, sirena, siyokoy  at mga pinagkakatakutang mga bahay (haunted houses), isama pa ang di mabilang na mga lamang – lupang  tulad ng  mga duwende, ada, lambana, tiyanak,  Nuno sa punso  at mga di nakikitang mga espirito at mga anak ng karimlan na gaya ng tikbalang, kapre at mga engkantado.

Sa mga probinsiya, bayan at baryo ay popular naman ang mga albularyo, mga mananawas  at mga manghihilot na siyang kumukontra sa masasamang espiritu. Gayun din naman ang mga agimat o  mga anting-anting na pangontra raw  sa anumang kapahamakan.  

Doon sa lugar namin sa Paco, may pinagkakatakutang bahay na ginawa raw garison ng mga hapon noong panahon ng digmaan. Gabi-gabi raw, may naririnig na mga yabag na animo’y hinihilang mga mabibigat  na kadena, panaghoy, tilian at hiyawan lalo na sa pagsapit ng hatinggabi. Yon daw ay mga biktimang pinahirapan  at pinatay ng mga Hapon. Kung totoo man o hindi, walang makapagsabi. Minsan, kaming magkakalaro  ay nagkatuwaang puntahan ang  nasabing haunted house.  Pero  noong malapit na kami ay nagkaripasan na kami ng takbo dahil sa takot. Ngayon, ang bahay na kinatititirikan nito ay ginawa nang gasoline station.

Bago pa nauso ang Feng Sui ng mga Tsino, marami na ring pamahiin ang mga Filipino sa pag-aayos ng bahay. Dapat raw nakatapat ang pintuan sa pang-umagang sikat ng araw para raw malayang pumasok ang grasya ng Diyos; ang posisyon ng kama ay huwag  ilagay sa tapat ng pintuan pagkat lalabas raw ang suerete; luwangan  raw ang mga bintana upang makapasok ang kapalaran;  gayun din naman ang  komedor  o kainan para magkaroon ng maraming bisita at kasagaanan. Huwag na huwag magwawalis sa gabi pagkat  aalis raw ang suwerte.

Marami  rin tayong  pamahiin sa kasal. Huwag raw isukat ang damit pangkasal pagkat malas raw. Maaari raw hindi matuloy ang kasal. Kung sino raw ang unang lumabas ng simbahan ay siyang magiging puno ng pamilya. Kung ang babae raw ang maunang lumabas ng simbahan , magiging ander de saya raw ang lalaki. Kapag natapakan daw ng lalaki ang laylayan ng wedding gown magiging dominante raw ang lalaki at magdaranas ng katakut-takot na pagdurusa ang babae bilang maybahay. Hindi rin daw dapat magkasabay na magpakasal ang magkapatid  (sukob) sa iisang  taon pagkat may masama raw mangyayari.

Sa bahagi naman ng katawan – kung may nunal   daw sa tabi ng labi, karaniwang ang tao raw na ito’t matabil  at madaldal; kung salubong ang mga  kilay, mainitin ang ulo at masamang magalit; kung may nuna;   sa ibaba ng mata o tuluan ng luha, ang taong yon magkakaroon ng mahirap na buhay; kung may nunal sa balikat, magdaranas sangkaterbang   hirap; kung may nunal sa paa,  galawgaw,  di mapakali  at mahilig maglakbay;  kung may nunal sa kamay, hindi raw mawawalan  ng pera at kung may mataas na  uno, ang tao raw na ito’y  matalino.

Marami tayong pamahiin tungkol sa Patay. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maubos  maisip kung bakit lahat  ng mga salamin ay may tabing kung may nakaburol sa bahay.  Sabi ng mga matatanda, masama raw. Wala namang makapagsabi sa akin ng tiyak na dahilan. Ang kabaong raw ay di dapat igawi sa may pintuan pagkat tiyak na may susunod raw na mamamatay.  Hindi raw dapat mapatakan ng luha ang mukha ng bangkay pagkat mahihirapan daw itong umakyat sa langit. Ganoon din naman ang pagsusuot ng sapatos  sa namatay – paniwala ng matatanda na maririnig raw ang mga yabag ng patay sa oras an dumalaw ito.  Huwag maliligo  habang may nakaburol.

Noong  ilibing ang aking nanay, lahat ng aming mga pamangkin ay binuhat at idinaan sa ibabaw ng kabayong nito. Ito raw ay mungkahi  ng isa naming tiya  upang hindi raw dalawin ang aking mga pamangkin ng aking  pumanaw na  ina.

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga pamahiin at mga paniniwalang minana pa natin mula sa ating mga nakatatanda.  Ang mga paniniwalang ito  ang siyang humubog sa lipunan at kultura ng ating mga ninuno  mula sa kanilang pagsilang hanggang sa kamatayan .

Sa ating siglo ngayon, na pinamamayanihan ng computer, website, mobile phones, Ipad, Facebook at Internet  at iba pang  mga mega-gadgets, sumusulpot pa rin ang mga pamahiing ito kung may pangyayaring hijndi sukat maipaliwanag  ng makabagong sensiya at medisina. 

 
 

Comments

 
Earliest First


1 2
 

henry
Tue 19th March 2013
china
 

Tama ka marami nga tayong mga pamanhiin ayon sa ating mga ninuno ,naalala ko nga madalas akong magtanong bakit bawal , ang nanay ko naman hindi naman maipaliwanag. sasabihin na lang sa'yo " basta makinig ka na lang" hanggang sa paglaki ko dala ko ang mga katanungan na hindi ko mapatunayan na ito ba ay ttoo . Gusto ko lang linawin na yung numerong 13th masama o bad luck . kung ito ay malas bakit meron tayong natatanggap na 13 months twing sasapit ang christmas o New Year.Pero salamat sa Dios nalaman ko na ang lahat ng ito ay haka lang ng tao , hindi ayon sa aral ng Dios. sabi nga dito sa biblia...Pro_19:21 May maraming katha sa puso ng tao; nguni't ang payo ng Panginoon, ay siyang tatayo.
1Ti_1:4 Ni huwag makinig sa mga katha at sa mga kasaysayan ng mga lahi na walang katapusan, na pinanggagalingan ng pagtatalo, at hindi ng pagkakatiwalang mula sa Dios na nasa pananampalataya; ay gayon din ang ipinamamanhik ko ngayon.

Pro_19:21 May maraming katha sa puso ng tao; nguni't ang payo ng Panginoon, ay siyang tatayo.

1Ti_1:4 Ni huwag makinig sa mga katha at sa mga kasaysayan ng mga lahi na walang katapusan, na pinanggagalingan ng pagtatalo, at hindi ng pagkakatiwalang mula sa Dios na nasa pananampalataya; ay gayon din ang ipinamamanhik ko ngayon.

Sana ang kolum na ito ay makakuha ng pansin sa iba at maliwanagan.

 
Myrna Lim
Sat 16th March 2013
 

Maraming salamat sa mga mnnetherlands.com updates... makaka-aliw may mga totu-o /o nagkakata-on lang sa mga pamahin... ang de lang namin makayanan.. yon *DE* pagpaligo habang may nakaburol.dito sa amin provincia, 9 day/nights nakaborul ang patay, ay talaga lang po de namin matiis ang de maligo, for 9 days,

oh my God ang init kaya dito sa Pinas. sorry nalang.. comments lang naman ito , we did ..naligo kami.

 
Fely Joyce
Sat 2nd March 2013
South Australia
 

Well. done Manny this is a very informative article. I can relate to this. I've been here long enough to embrace Aussie culture, and yet I still believe in most of our Pamahiin. There's no harm in believing and practising the things that you been brought with since childhood. Pusong Pinoy pa rin tayo. excellent article Manny.

 
eric
Mon 25th February 2013
mindoro
 

masama ang pamahiin kasi magiging dahilan ng pagkatakot sa buhay.. ayaw ng Diyos na matakot tayo at alilain ng gawa ni satanas.

 
Rowena de Guzman
Fri 22nd February 2013
MERCEDIZ CAMARENIZ NORTE
 

AKO MAN NANINI WLA SA MGA BAGAY NA GANYAN....KC POEH UNG KPBHY NAMEN NAG KWENTO NG TUKOL SA BAGY NA UN ..............................................

 
rl
Sun 27th January 2013
caloocan city
 

pano pag walang pang luto pwede na kumanta ???

 
Fevie
mon 14th January 2013
nueva vizcaya
 

nakatutuwang malaman ang mga pamahiin at maganda ring pag-aralan naibibilang din ito sa ating kasaysayan.

 
jun marie
sat. 12th January 2013
negros oriental
 

tama!wala namang mawawala sa atin pag maniniwala tayo sa mga pamahiin.pero sa ngaun bihirang d makapg asawa dahil sa mga bagong teknolohiya.ang aking kapatid ngah eh...kala namin d na makapag asawa dahil matanda na eh,nuon nga sinabihan sya ng lola namin sa mga ganyang pamahiin,d kaya sya naniwala,kaya pagdating nya ng 30 sabi namin d ka kaya naniwala sa mga pamahiin,hanggang nag 35 sya nagulat lang kami dahil mag asawa na daw sya,,,hahah textmate pala nya ...kaya nga nakapag asawa na sya ngaun...

 
aira
Thu 25th October 2012
cagayan de oro
 

so di naman toto'o ang pamahiin, kasi yung bed ko naka harap sa pinto, di nman ako minamalas... tas sabi nila bawal daw ang pera eh daan sa bintana kasi malas daw eh

 
marielle tuvz
Tue 25th September 2012
makati
 

tama nga nman dpat kay god lang tayo maniwala^_^

 
 


1 2
 
Munting Nayon News Magazine


To receive Munting Nayon updates in your Facebook account, click the Like button in this box.

 
MoreFiesta parade highlights 2012 Philippine Fiesta of Victoria (Australia)
By Manny G. Asuncion, Philippine Fiesta of Victoria PRO

Melbourne-November 25: More than 40 Filipino-Australian community organizations in Victoria, Australia joined the annual Fiesta parade during the...
MoreFILCCA 12th National Conference -Garcia leads FILCCA
By Manny G. Asuncion

Ms Aida Garcia, one of the representatives from South Australia,  was elected as the new president of the Filipino Communities...
MoreA fabulous evening with the Philippine Fiesta Beauty Quest candidates 2012
By Manny G. Asuncion, PFVI PRO

The Philippine Fiesta Beauty Quest Presentation, which was held at the Princes Court Reception at Mulgrave  on 29 September 2012,...
LEDESMA CLAN TO HOLD FIRST EVER GRAND FAMILY REUNION

Calling all LEDESMAs!

Come join and meet relatives at our first-ever grand family reunion to be held next year in...
More'THE MISTRESS' Set for showing on September 28 all over Canada

ANNOUNCEMENT:

An Olivia M. Lamansan film:

"THE MISTRESS"
Set for showing on September 28 all over Canada
for more detail, see poster...
It was Yuletide season, a good time for another family reunion in the Philippines.  We celebrated Christmas Eve at my brother Danny and his wife Cindy’s house.  Cindy’s sisters Annie and Bettina hosted Christmas lunch.  Our holiday meals were both delightful and generous.  It was time for some physical vacation activities.  Our destination – Coron in the province of Palawan. 

Coron is remote.  We took three modes of transportation to get there - by air, land and sea.  Our big family tour group flew from Manila to Busuanga Island just north of the island of Palawan, then rode two vans through hills and dirt roads, before taking two motor boats to reach our secluded vacation hideaway by the beach.  The skillful boatmen waded and pushed the two small crafts as we passed through shallow waters between mangroves. 
 
 
More`CON AMOR’ FOUNDATION B0ARD MEMBERS VISIT PROJECTS IN PHILIPPINES
By: Orquidia. Valenzuela,  as reported by Myrla Danao

Businessman Jaap van Dijke, chairman and two board members, Myrla Danao and Dr. John Deen of Con Amor...
MoreThe Philippine Independence Day Picnic of the Filipino Community in The Netherlands 1988 - 2008
Munting Nayon News Magazine

No other event in the Filipino community of The Netherlands can aptly be tagged as THE event of the year…more...
MoreRecord Breaking Attendance at the Philippine Independence Day Picnic
Spaarnwoude Recreation Park, Haarlem

The JUBILEUM PICNIC , in celebration of 110th Anniversary of Philippine Independence, was another great milestone of the Filipino community...
MoreAN INVITATION TO: LIZ HONEY PROMOTIONS & ENTERTAINMENT UPCOMING SHOWS

AIZA SEGUERRA
April 27, 2013
Ukranian Hall
Essendon-Vic-Australia ...
MoreFRIESLAND SWINGS in OPPENHUIZEN - THE NETHERLANDS

AN INVITATION TO A DINNER / DANCE

"FRIESLAND SWINGS in OPPENHUIZEN - THE NETHERLANDS"

WITH LIVE PERFORMANCE FEATURING RUTH GALURA
MAY 25, 2013

...
FILIPINO ADVISERS IN AUSTRALIA SEEK JUSTICE FOR FILIPINO-AUSTRALIAN MURDERED IN THE PHILIPPINES
By Bobby Lastica
NSW-Australia
Wed 22nd May 2013
 
More
Members of Australia’s Filipino Ministerial Consultative Committee (FMCC) urge Australian government’s assistance in seeking justice for murdered Adelaide-based Australian national Ceferino Lapuz Jr., who was gunned down on May 5 in the Philippines.

Norma Hennessy, Adelaide-based member of the FMCC and a colleague of the deceased, informed the FMCC that Mr. Lapuz was alleged to be still alive...
 
Munting Nayon News Magazine
 
SARUNG BANGGI: FROM MUSIC TO FILM
By Pablo A. Tariman
Manila
Wed 22nd May 2013
 
More
            Bicol composer Potenciano Gregorio-- who penned the famous Bicol love song, “Sarung Banggi”--  turned  133 years old last May 18 with an Albay  festival carrying the name of his composition.

 But his famous love song has two birth dates: one placed at 1897 when Gregorio was just 17. But in a research made by Bicol historian, Dr. Merito Espinas who...
 
Munting Nayon News Magazine
 
APSL patron to reaffirm Pinoy effect in Oz
By Evelyn A. Opilas,
NSW-Australia
May 20, 2013
 
More
Australia Philippines Services League (APSL) patron Federal
Member for Chifley Ed Husic, MP is set to reiterate the valuable contributions of Filipinos in Australia when he delivers his inspirational talk at this year’s Philippine Independence Day flag raising rites 8 June.

The free event starts 11am at Bowman Hall Civic Centre Centre, Campbell St. Blacktown to mark the...
 
Munting Nayon News Magazine
 
Filipino Canadian  Teachers Conduct Entrepreneurship and Exemplary Teaching Practices Seminar for Educators
By : Tony A. San Juan, OCT.
Toronto, Canada-
May 18, 2013
 
More
The Philippine Teachers Association of Canada ( PTAC), holds its 7th Professional  Development Seminar on May 12, 2013 at St. Clair Forest Hills Loblaws, Toronto. The 7-year old social-professional organization of Ontario- licenced & practicing teachers and former Philippine educators , fittingly...
 
Munting Nayon News Magazine
 
Press Release
PARANGAL DANCE COMPANY in San Francisco Celebrates 35th Anniversary
By Eric Solano Creative Director Parangal Dance Company
Mon 20th May 2013
 
More
We celebrate the 35th Anniversary of the San Francisco Ethnic Dance Festival June 7 – 30 with a series of thrilling and inspiring performances honoring cultural legacies and highlighting the vibrancy of the Bay Area’s world dance community....
 
Munting Nayon News Magazine
 
APCO Gears Up for Freedom Ball 2013
By Amor Ramos
Liverpool-NSW-Australia
May 18, 2013
 
More
The Alliance of Philippine Community Organisations, Inc, rolls out its finishing touches for the annual Freedom Ball celebration to commemorate the 115th anniversary of the Philippine Independence.  This year’s grand event will be held on Monday 10th June (Queen’s Birthday...
 
Munting Nayon News Magazine
 
MoreSECOND GENERATION SWISS-FILIPINOS HOLD WORKSHOP ON PHILIPPINE DANCES
Philippine Embassy-Berne

15 May 2013 - The Philippine Embassy in Berne reported to the Department of Foreign Affairs that the Network of...
MoreFIRST EVER AMBASSADOR’S CUP IN BASKETBALL BRINGS TOGETHER BASKETBALL TEAMS FROM COMPANIES IN CHRISTCHURCH, NEW ZEALAND
Philippine Embassy – Wellington, NZ


15 May 2013 - As tIn keeping with the efforts of the Philippine Embassy in Wellington continues to promote closer...
MoreCandidates for Miss Philippines Canada 2013 

Alannah Sagici: Latin Dancer & Model
 


Alannah Sagici, a young student who is adept at Latin/Ballroom...
TIME, MONEY AND EFFORT  
by Jorge D. Lomboy  

Time is a very valuable thing we cannot afford to waste.  In today's gangrenous economy we can't afford...