NAGKAROON sina Esiong at Rebecca ng anak na lalake, Marlon ang pangalan. Pagkuway nadama ni Esiong na iba na ang kanyang pakiramdam, na may pananagutan na siya, na bilang ama ay kailangang maging haligi siya ng kanilang tahanan, na siya ang dapat magdala ng kanyang pamilya, na siya ay dapat maging tamang halimbawa sa lumalaking si Marlon.
ISANG ARAW, pagkatapos niyang igarahe ang
heavy duty pick up truck ay naglalakad siyang pauwi ng siya ay mapadaan sa pangkat ng tatlong mga dating kabarkada, na nag-iinuman sa harapan ng bahay ng puno ng pangkat na si Anton, na ayon sa bali balita, ang mga ito ay mga
big time na sa paggawa ng mga kalokohan.
Matindi pa rin ang hatak ng barkada. “Si Esiong, nag-asawa lang, nalimutan na kami.”
“Hindi naman. Kaya lang, si Misis ay naghihintay.”
“Kalimutan mo muna si Misis. Toma tayo rito kahit ilang tagay lang.”
“O sige. Hanggang dalawa lang ako.”
“Sinabi mo.”
Unang tagay. Napangiwi si Esiong. “Sobrang tapang.”
“Sa umpisa lang iyan. Hetong pulutan.”
Kumutsara ng pulutan si Esiong. Pagkuwa’y nawala ang pait nang inuming alak.
Kuwentuhan ng mga walang kabuluhan.
“Kumusta si Misis?”
“Ok naman.”
“Macho ka pa rin ba o macho nurin.”
Mandi’y tinalaban si Esiong sa biro.”
“Macho, siempre.”
“Kung macho ay bakit nagmamadali ka?”
“Nasukol si Esiong. “O sige, umagahan na tayo.”
Iniba ni Anton, na siyang puno, ang paksa,“Kailangan ka namin.”
“Saan?”
“Hindi ko maaring sabihin sa iyo dito. Kailangang sumama ka sa amin at pag-uusapan natin.”
“Kailan?”
“Bukas. Ganitong oras kung p’wede ka.”
“P’wede ako.”
SA SULOK ng isang mumurahing
restaurant, sa oras na alanganin at wala pang mga tao ay ipinagtapat ni Anton ang kanyang nasasaisip kay Esiong. Naroon din ang dalawa pang kasama ng pangkat na sina Tommy at Tikboy. “May nag
tip sa akin,” umpisa ni Anton.
Sa harapan nila ay ibinaba ng serbidora ang apat na bote ng San Miguel beer at apat na basong nangangalahati sa lamang yelo.
“Pulutang ginisang mani sa bawang, mayroon ba kayo?” tanong ni Anton.
“Mayroon ho.”
“Bigyan mo kami noon.”
“Oho.”
Tumalikod at lumakad palayo ang serbidora.
Inulit ni Anton ang pagpapaliwanag, “May nag
tip sa akin,”
“May nag
tip na ano? tanong ni Tikboy.”
“May
dollar at
money exchange daw sa Angeles na maari nating banatan.”
“Hindi ba delikado iyon.
Money exchange, lalo na kung
dollar, siguradong di guwardiya iyon,” paala-alang sabi ni Tommy.
“E ano kung di guwardiya, kapag nailigpit na natin ang guwardiya, ayos na,” sagot ni Anton.
“Ano’ng ibig mong sabihing nailigpit. Ibig mong sabihin ay ded bol ang guwardiya. Pag tinepok natin iyon at natiklo tayo, habang buhay tayo sa Munti,” sagot ni Tommy.
“Hindi natin tetepokin, gagapusin lang, bubusalan at lalagyan ng piring ang mga mata,” sagot ni Anton.
Dumating ang mani at iniba nila ang usapan. Umalis ang serbidora at ibinalik nila ang paksa ng kanilang usapan.
“
Preliminary lang ito. Sa susunod ay pag-uusapan natin ang lahat ng mga detalya. Ano? Interesado ka? Isipin mo na lang, pag nagtagumpay ito, tiba tiba tayo, maari ka ng magkaroon ng puhunan sa isang maliit na negosyo, na siya mong gusto. Isipin mo na lang, hindi ka na mangangamuhan at giginhawa ang pamilya mo,” tila udyok ni Satanas na sabi ni Anton.
“Iisipin ko.”
SAKAY ng isang nakaw na Nissan Pathfinder, bago magtakipsilim, sa maingat na pagmamaneho ni Tikboy ay nagtungo sila sa Angeles. Tamang tama, umalis sila ng mga alas sais ng gabi at darating sila doon ng mga alas otso – ang oras ng pagsasara ng Delta Money and Dollar Exchange.
Pumasok ang dalawa sa kanila, sina Anton at Tommy, na nakasuot nang disenteng suot, at sinisigurong silang dalawa ang huling parukyano. Inilabas ni Tommy ang isang kumpol ng US dollar sa kaliwang bulsa ng kanyang pantalon. Binilang niya iyon sa harap ng
teller.
“Five hundred,” sabi ni Tommy.
Kinuha ng
teller ang
calculator. Sinuma kung magkano ang kapalit sa Philippine peso. Sa kaha sa kanyang harapan ay kumuha nang katumbas na pera. Binilang niya iyon sa harap ni Tommy.
Inabot ni Tommy ang pera at muli, binilang niya iyon. Tumango siya.
“Thank you.
Tumalikod si Tommy at lumakad ng
normal palabas.
Pagkuwa’y nasa likod na siya ng
security guard na nakatingin sa labas. Ipinadama ni Tommy ang
barrel ng kanyang handgun sa tagiliran ng bantay, “
Don’t move or your dead,” babala ni Tommy.
Inalis ni Tommy ang nakasabit na armalite sa balikat ng bantay.
“To the corner,” utos ni Tommy sa bantay na walang nagawa kung hindi ang sumunod.
Sa tulak ng
barrel ng
handgun ay lamakad ang bantay patungo sa pinakamalayong sulok. Iginapos ni Tommy, sa pamamagitan ng
tie wrap, ang mga kamay nito, inilatag sa bibig ang nakahanda ng
duct tape, at piniringan ang mga mata ng isang tila kurbatang kulay itim.
Kasabay halos ng ginawa ni Tommy ay ibinigay ni Anton sa
teller ang isang maliit na sulat na nagsasaad ng “HOLD UP ITO. HUWAG SISIGAW AT HUWAG PIPINDOT NG KUNG ANO.”
Ipinakita ni Anton ang hawak niyang
handgun. Iniutos, sa pamamagitan nang pagnguso na lumabas siya. Lumabas ang
teller. Ginapos siya ni Anton, nilagyan ng
tape ang bibig at piniringan ang mga mata.
Muli, sa pamamagitan nang pagtulis ng nguso ay iniutos ni Anton sa
teller na magpunta sa sulok na kinalalagyan ng bantay. Lumakad ang
teller patungo sa sulok. Patalikod at sa pamamagitan nang pinagdugtong na
tie wrap ay itinali nila sila sa bilugan, konkretong poste ng gusali.
Pagkuway inilabas ni Tommy ang dalawang tiniklop na
plastic bag sa bulsa sa likod ng kanyang pantalon. Iniladlad niya iyon at ibinigay ang isa kay Anton. Nilimas nila ang laman ng mga kaha at mga
safe.
Sa labas ay naghihintay ang
driver na si Tikboy. Naroon din sa labas ng sasakyan, sa isang kubling lugar si Esiong, na siyang
look out, tangan ang
cell phone, at handang bigyan ng babala sina Anton at Tommy, kung may makikita siyang panganib, kahit na sa munting hinala.
Ngunit hindi nila alam na may nag
tip pala sa kanila, na naghihintay na sa kanila pagkatapos nilang looban ang
money exchange, ay isang pangkat ng
Anti Crime Task Force. Hinihintay lamang ng mga ito na maganap ang krimen upang maisakatuparan ang order na
shoot to kill.
Pagkuway palabas na sina Anton at Tommy. Normal ang kanilang mga kilos, na tila ba wala silang ginawang krimen. Walang anu ano’y lumabas sa kanilang pinagtataguang restaurant ang
Task Force. Tumatakbo sila, tila mga miembro ng SWAT team, patungo sa
money exchange.
Walang panahon para lumaban sina Anton at Tommy. Itinaas nila ang kanilang mga kamay, ngunit iyo’y walang kabuluhan sapagkat sila’y sinalubong ng mga nagliliparang mga bala ng armalite M-16.
Tinangkang tumakas ni Tikboy. Umatungal ang makina ng Nissan Pathfinder, ngunit bago ito kumilos, sa
windshield at sa
side window ay tumagos ang mga bala ng M-16.
Sa dilim ng gabi ay pahigang nagkanlong si Esiong sa tuyo ngunit maduming kanal.
Dead on arrival sa hospital sina Anton, Tommy at Tikboy.
Hinubad ni Esiong ang kanyang suot na maduming jacket. Maayos at pabaligtad na tinupi niya iyon upang matago ang dumi. Pabilog na binilot niya iyon at pahalukipkip na inilagay sa kanyang kilikili.
Ngayoy nakapulang kamiseta na lamang siya. Lumakad siya paalis sa lugar na pinangyarihan ng krimen. Pinara niya ang unang tricycle na kanyang nakita. Nagpahatid siya sa paradahan ng jeepney na magdadala sa kanya pauwi sa kanilang bayan.
MAY KARUGTONG