Ang dalawang kasabihang ito ay iisa ang ibig sabihin at kung mayroon mang pagkakaiba, sila ay nagpapatibay lamang o nagdadag halaga sa bawat isa.
Ang nauunang kasabihan ay nagbabadya na kapag ang isang tao ay aayaw sa isang bagay, tao o gawain, maraming siyang naiisip na dahilan o palusot para makaiwas.
Ang kapasiyahn niya ay dapat isa ala-alang at walang makapipilit sa kanya maliban na lamang kung ito ay hinggil sa batas, sa militar at sa simbahan. Sa batas, kina-kailangan iton sundin para sa kapakanan ng nakararami sapagkat iba-iba ang kagustuhan ng isat isa. Sa militar, ang isang sundalo ay kailangang tumalima sa utos ng nakatataas ng ranggo sa kanya kahit hindi gusto ang pinaguutos. At sa simbahan, maraming kautusang ipinatutupad sa mga kasapi para sa kaligtasan ng kanilang kaluluwa kahit na ang mga ito ay mahirap gampanan at hindi mauunawan ang kahulugan ng mga misterio at dogma.
Mayroon pa ngang mga taong nilalampasan o hinihigitan ang kautusan ng simbahan at ito ang mga tinatawag na santo. Sila ay hindi umaalintana sa sakit ng katawang lupa para lamang sa ikalulusog ng kanilang kaluluwa at para sa ikasasagip ng ibang naliligaw na kaluluwa kagaya ng ginaw ng panginoong Hesukristo.
Ang pangalawang kasabihan " Ang taong may kagustuhan, maraming nagagawang paraan " ay punong puno ng katotohanan at ito ay katumbas ng universal adage sa Ingles
" If there's a will, there's a way ". Kapag ang isa tao ay may nais na makamtan, walang balakid na hindi niya kayang malampasan sa tindi ng kanyang pagananais.
Gagawa siya at gagawa ng paraan upang malusutan ang hadlang sa kanyang hangarin.
Mayroon ngang isang pangyayari kamakailan na ang isang tao ay naipit ang kamay sa pagakyat sa isang matarik na bundok. Sa kagustuhan niyang makaalis sa kanyang kaaba-ababg katayuan, ay nakuha niyang putulin ang kanyang naiipit na kamay at baraso para lamang siya makakawala at tuluyang makaligtas. Kahangahanga at kamanghamangha at hindi sukat akalain ang kanyang ginawa. Nagwagi ang isip sa ibabaw na nakahihindik na sakit sa pagputol sa sariling baraso.
Marami pang pangyayari na tulad nito na pang araw-araw na ating nararanasan at kung minsan ay hindi natin pansin na nagpapatunay sa dalawang kasabihang ito : " Ang taong may inaayawan, maraming naiisip na dahilan. Ang taong may kagustuhan, maraming nagagawang paraan. " Ang dalawang kasabihan na ito ay bahagi na ng ating buhay.